Isang Obhektibo na Gabay para sa Halalan 2016
Posted on Monday, 4 April 2016 1:52 pmThis guide is available in English.
Ang gabay na ito ay mayroong Filipino na bersyon.
Paano ko it gamitin?
1. Pumili lamang ng sampu na batayan na iyong gagamitin sa pagpili ng kandidato.
2. Lagyan ng rango ang mga napiling batayan mula 10 (pinaka mahalaga) hangang 1 (pinakaunti ang halaga).
3. Bigyan ng rango ang bawat kandidato mula 10 (pinakamataas) hangang 1 (pinaka-mababa) para sa bawat batayan.
4. I-multiplika ang bilang ng batayan sa rangong iyong binigay.
5. Kunin ang kabuuang puntos ng bawat kandidato.
6. Ang kandidato na may pinakamataas na puntos ang iyong obhektibo na kandidato para sa halalan 2016.
7. Pag nagkaraoon ng kandidato na magkatulad ang kabuuang puntos ay maaring ulitin ang proseso gamit ang natitirang mga batayan na di nagamit sa unang pag-rango.
Bakit hindi niyo na lang bigyan ng puntos ang bawat kandidato?
Ang blog na ito ay nananatiling walang kinikilingan. Kahit na ilista namin ang lahat ng mga nagawa ng isang kandidato, hindi nangangahulugan na bawat tao ay pare-parehas na magbibigay ng rango na 10. Kapag sa iyong opinyon ay karapatdapat na rango na 1 lamanag ang kanyang makuha kahit na gaano siya kahusay sa batayan na iyon, nakasalalay na po iyon sa inyo. Ang kinabukasan ng bansang ito ay nasa iyong mga kamay.
Maari ko bang i-print at ipamahagi ang inpographic na ito?
Maaaring i-download ang PDF dito at maaari siyang ipamahagi ng walang rebisyon (hindi maaaring palitan ang kahit anong bahagi ang form). Isipin natin ang kapaligiran bago mag-print.
Data Privacy Notice
We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies.